Sunday, April 24, 2016
Paano Maglaba ng Damit Like a Pro?
Marunong ka na bang maglaba ng damit? Maayos ba ang pagkakalaba mo nito? Bibigyan kita ng mga simple tips, para sa maayos at malinis na pag-lalaba like a pro.
UNA, ilublub mo sa isang batyang tubig. Katulad nung paglublub mo ng sarili mo sa "pagmamahal" niya. Basain mo ng mabuti na katulad ng mga yakap nya sayo.
PANGALAWA, lagyan mo ng sabon, kusutkusutin mo hanggang mawala yung dumi, baliktarin mo ang damit. Kusot na kasing sakit ng ginawa niya nung iniwan at pinaglaruan ka niya at pagbaliktad na ikaw pa ang may kasalanan sa inyong dalawa.
PANGATLO, banlawan mo hanggang matanggal yung sabon, ulitin mo ng maring beses hang wala ka nang makitang bula. Ganyan naman tayong mga iniwan, kelangan nating tanggalin yung hapdi na ating nararamdaman para kahit papano, makatayo tayo kahit alam nating masakit parin.
PANG-APAT, Pigain mo! Pilitin mong mawala yung tubig. Ilabas mo ang galit, ang sakit, iiyak mo! Pilitin mong mag-move on. Wag ka na magtira ng kahit konting feelings man lang. Kasi masasaktan ka lang lalo.
PANGHULI, Isampay mo kung saan maaarawan para mawala ang basa at gumaan. Para kahit papano, magising ka sa katotohanan na iniwan ka niya. Isa na rin yan sa paraan na gumaan ang loob mo at masabi mo na ring malaya ka na ulit.
PS: Bantayan mo ang isinampay mo. Wag mong paulanan. Matuto ka na. Wag ka na magpadala sa mga pag-ibig na alam mong break up ang kahihinatnan. Dahil kapag pumatol kapa, hindi ka na inilublub sa pag-ibig niya, baka winisikan ka na lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment